text messages 241 to 245

241. Sabi nila masakit daw kapag nalaman mong may pangalawa ang mahal mo pero handa ka pa ring ipaglaban siya huwag lang maagaw ng iba. Pero paano kapag nalaman mong ikaw yung pangalawa, ipaglalaban mo pa ba?

242. Marami ng tao ang ayaw magmahal, ayaw ng masaktan lalo na ang maiwanan. Pero sa mundong ito may para sa’yo na kusang darating, pero minsan nandiyan na, di mo naman pinapansin.

243. Sabi nila iiwan kita. Sabi ko hindi ko kaya. Marami pa raw darating kaya pakawalan na kita. Ang masasabi ko lang sa kanila, “Huwag na silang dumating, huwag ka lang mawala sa akin!”

244. Sabi mo hintayin kita. Sabi mo kase babalik ka. Bumalik ka nga may kasama namang iba. Ang masakit ng tanungin kita, nakangiti ka pang sumagot, “sorry ha, nakalimutan ko. Naghihintay ka nga pala”.

245. Maling isipin ka pero ginawa ko. Maling mag-alala sa’yo pero ginawa ko. Maling mahalin ka pero ginawa ko. Lahat ng mali ginawa ko, pero ang kalimutan ka, sh*t HINDI KO MAGAWA.

No comments: